Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na approval at trust ratings nito.
Ayon sa PUBLiCUS Asia Inc. na mayroong 65 percent ang kabuuang approval ng pangulo.
Mas mababa aniya ito ng bahagya sa 70 percent na nakuha ng pangulo noong Disyembre.
Bumaba rin ng trust rating ng pangulo na mayroon ito ngayon 55 percent mula sa dating 62 percent noong Disyembre base na rin sa PAHAYAG survey.
Pumangalawa naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa approval rating na mayroong 40 percent, habang si Vice President Leni Robredo ay mayroong 29 percent.
Sinusundan naman ito ni retired Chief Justice Diosdado Peralta na mayroong 28 percent approval rating at Speaker Allan Lord Velasco na nagtala ng 25 percent.
Sa trust rating naman ay mayroong 19 percent si Robredo at 49 percent naman sa distrust.
Nakakuha rin si Sotto ng 25 percent trust rating, nasa 15 percent si Peralta habang 14 percent naman si Velasco.