Nakauwi na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa biyahe niya sa Japan.
Sa oras na alas-10:41 gabi ng Martes ng lumapag ang sinakyan nitong eroplano sa Villamor Airbase.
Pinaaga ng Pangulo ang pagbisita nito sa Japan na dapat ay hanggang sa Huwebes dahil may mga kasiyahan pa itong dadaluhan sa Miyerkules.
Inimbitahan ito ng gobyerno ng Japan para saksihan sana ang enthronement ni Japanese Emperor Naruhito.
Subalit dahil sa sakit sa kaniyang spinal column na kaniyang nakuha ng matumba ito sa motorsiklo noong nakaraang linggo.
Inatasan na lamang niya ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte para daluhan ang natitirang kasiyahan sa Japan.
Tiniyak naman ni Senator Bong Go na walang dapat ikabahala ang mga mamamayan sa kalusugan ng Pangulo.
Nakatakdang pagpatingin sa doktor ang Pangulo sa nitong araw ng Miyerkules.