-- Advertisements --

Personal na tinawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating Senator Jinggoy Estrada at JV Ejercito para kumustahin ang kalagayan ng ama nila na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ito ay dahil nananatili pa rin ang dating presidente at nagsilbing alkalde ng Maynila sa pagamutan.

Sa kanilang mga social media accounts ay kapwa nila pinasalamatan si Pangulong Duterte dahil sa pagtawag sa kanila para kumustahin ang ama nila.

Magugunitang kapwa rin nananawagan nang pagdarasal ang dalawa matapos na itakbo sa pagamutan ang ama na tinamaan ng COVID-19 noong Marso 29.

Lalo umanong nagiging malala ang sakit nitong pneumonia kaya kailangan ng gumamit ng mechanical ventilation.