Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagpapalabas ng pondo mula sa Office of the President para ipangtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sinabi ng pangulo na ang nasabing pera ay hindi calamity o contingency fund at sa halip ay mismong pondo ng kaniyang opisina.
Ito aniya ang nakikita niyang paraan para may maitulong sa mga dinaanan ng nasabing bagyo.
Kinakausap na rin aniya nito ang Department of Budget and Management para makahagilap pa ng mga karagdagang pera.
Tiniyak nito sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya para tulungan ang mga biktima ng kalamidad.
“What I can promise you is on or before Friday, the money will be downloaded,” ani Duterte. “Para sa tao ito.”