-- Advertisements --
Pinapamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nagpapataw ng buwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na pina-certify urgent ng pangulo ang panukalang Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations.
Dagdag pa ni Roque na hindi lamang kita ang habol ng gobyerno sa mga POGO at sa halip ay mabantayan ng mabuti ang kanilang operasyon.
Magugunitang karamihang mga POGO na pinapatakbo ng mga Chinese ay hindi nakapagbayad ng tamang buwis sa gobyerno mula pa noong 2019 base na rin kay Senator Pia Cayetano ang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means.