-- Advertisements --

Inatasan ni pangulong Rodrigo Duterte si Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na dagdagan ang ayuda na ipamamahagi sa pinaka mahihirap na pamilya o benepisyaryo ng 4ps.

Sa isinasagawang event sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na kulang ang P200.00 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro.

Kaya utos nito kay Secretary Dominguez, gawan ng paraan na makapagbigay ng P500 ang ibigay sa bawat pamilya kada buwan.

Bahala na aniya ang susunod na administrasyon na ituloy ang paghanap ng pera para maipagpatuloy ito, basta sa ngayon ay kailangang maibigay ang P500 ayuda.

Mahigpit lamang ang bilin ng pangulo sa mga benepisyaryo, wag gastusin ang pera sa e-sabong.