-- Advertisements --
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Sec. Carlos Dominguez III na dagdagan ang ayuda na ipinamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya o benepisaryo ng 4ps.
Sa isinasagawang nitong Lunes ng gabi sa Malacanang, sinabi ng pangulo na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilyang may limang miyembro.
Kaya naman inutos nito kay Sec. Dominguez na gawan ng paraan na makapagbigay ng P500 kada pamilya kada buwan.
Bahala na aniya ang susunod na administrasyon na ituloy ang paghanap ng pera para maipagpatuloy ito, basta sa ngayon ay kailangang daw maibigay ang P500 ayuda.
Mahigpit lamang ang bilin ng pangulo sa mga benepisaryo na ‘wag gastusin ang pera sa e-sabong.