-- Advertisements --

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng Commission on Higher Education (CHED) na payagan ang face-to-face classes sa lima pang degree programs ng higher education institutions na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Sinabi ni CHED chairperson Prospero De Vera III na ilan sa mga kursong pinayagan na ay ang Engineering and Technology programs, hospitality/ Hotel and Restaurant Management, Tourism/ Travel Management , Marine Engineering at Marine Transportation.

Sa kasalukuyan kasi ay pinapayagan lamang ng gobyerno ang limitadong face-to-face classes sa mga allied health sciences and medicines.

Pinasalamatan din ni De Vera ang pangulo dahil sa nasabing pagpayag ng limited-face-to-face classes para makatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya sa bansa.

Bago ang pag-apruba ay iprenisenta ng Ched chairperson sa Inter-Agency Task Force Emerging Infectious Diseases na mayroong maliit lamang ang porsyento ng mga guro at mga mag-aarl ang dinadapuan ng COVID-19 dahil sa mahigpit na ipinapatupad na protocols.