-- Advertisements --

Binigyang pugay ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III dahil sa maraming mga gumaling mula sa COVID-19.

Ito ay sa kabila na pumalo na sa mahigit 2 milyon ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa bansa.

Sa kaniyang talk to the nation nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng pangulo na ang tanging konsuwelo lamang ay ang dami ng gumaling na.

Mayroon kasing mahigit 1.8-million ang mga gumaling na.

Nagpapakita lamang daw ito na maganda ang ginagawa ngayon ng mga health workers sa bansa.

“Ang consuelo natin is 1.8 million of these have recovered, so meron na lang 200,000 na wala, and that is a very good reflection what our health people are doing, and I would like also to commend Secretary Duque for that.” wika ng pangulo.