-- Advertisements --

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng panibagong 25-taon na prankisa para makapag-operate ang mga water concessionaries na Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company, Inc.

Ang nasabing Republic Act 11600 at Republic Act 1161 ay napirmahan na ng Pangulo noon pang Disyembre 10 pero ito ay inilabas lamang nitong Enero 7.

Nakasaad sa nasabing batas na dapat maglaan ng sapat na suplay ng tubig at sewerage services sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Nararapat din aniya na magsumite ang mga ito ng plano para maabot ang 100 porsyento ng water, sewerage at sanitation coverage ng hanggang 2037.

Inoobliga din ng nasabing batas ang pag-sasaayos ng kanilang pasilidad, pipeline systems at equipment para sa magandang serbisyo sa publiko.