-- Advertisements --

Walang nakikita si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pananakit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major Guillermo Eleazar sa naarestong pulis na sangkot sa pangongotong.

Sa kaniyang talumpati sa unang anibersaryo ng Presidential Anti-Corruption Commission, na suportado nito si Eleazar.

Nauna rito hindi napigilan na Eleazar na dumapo ang kaniyang kamay kay Police Corporal Marlo Quibete ng ito ay kaniyang kumprontahin.

Matapos ang pangyayari ay humingi na ng paumanhin si Eleazar sa kaniyang nagawa kung saan isa aniya itong paraan ng pagbabala sa mga kapulisan para hindi na sila gumawa ng anumang iligal na gawain.

Magugunitang inaresto si Quibete na miyembro ng Eastern Police District (EPD) Drug Enforcement Unit matapos na mangikil ng P200,000 sa kaanak ng kanilang naarestong drug suspek.

Tinanggal rin sa puwesto ni Eleazar ang hepe ng EPD na si Police Brigadier General Bernabe Balba at Pasay City Police chief Police Colonel Noel Flores dahil sa command responsibility.