-- Advertisements --

Magiging panauhing pandangal via virtual ang Pangulong Rodrido Duterte sa gagawing job summit ngayong araw kasabay ng Labor Day celebrations.

Kabahagi ng job summit ay ang presentasyon ng National Government’s Recovery Plan at National Employment Recovery Strategy.

Liban sa pangulo magiging tampok din sina Labor Sec. Silvestre Bello III, DTI Sec. Ramon Lopez, Tesda chief Isidro Lapena, Neda Secretary General Karl Kendrick Chua at iba pa.

labor

Una nang inanunsiyo ng DOLE na magiging madali na sa mga naghahanap ng trabaho ang job fair ngayong araw dahil ito ay online.

Nasa mahigit 50,000 local at overseas jobs ang maaaring mapagpilian ng ating mga kababayan.

Ang mga job seekers ay maari ring bisitahin ang mga online site sa iba’t ibang mga probinsiya sa bansa.

Samantala, kabilang din sa ilang aktibidad ngayong araw ay ang sa 5,000 mga OFW bilang pagbibigay pugay sa mga manggagawa.

Ayon kay Bello ang symbolic vaccination ay pagkilala rin sa kabayanihan ng mga Filipino workers sa gitna ng krisis sa pandemya.

Ang isasailalim sa bakuna ay kasama sa Priority Group A4 o mga frontline personnel na mga essential sectors.

Una nang inaprubahan ng IATF ang naturang kahilingan ni Bello para sa vaccination drive ngayong araw.

“This is a symbolism of our love and concern to our workers, including our OFWs,” ani Bello.