-- Advertisements --

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III bilang “bayani” ng bansa sa paglaban sa COVID-19.

Sa national address nitong Lunes ng gabi sinabi nito na nagiging maganda ang paglaban ng bansa sa nakakamatay na virus kung ikukumpara ito sa ibang mga bansa.

Hindi rin maiwasan ng pangulo na banatan ang kritiko ni Duque kung saan kaya nila ginagawa raw ang pagbatikos sa kalihim ay para mapansin ng taongbayan.

Magugunitang maraming mga kritiko ang nanawagan sa pagbaba sa puwesto ng kalihim dahil sa hindi agad nitong pagtugon para mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.