Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “mukhang pera ang Philippine Red Cross.”
Kasunod ito sa pagbabayad na ng Philippine Health Insurance Incorporated (PhilHealth).
Sinambit ng Pangulo ang nasabing kataga nitong Huwebes ng gabi nang mag-ulat si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang pagsuspendi ng PRC ng swab test ay nagdulot ng mababang COVID-19 reporting sa buong bansa.
Bumalik lamang ang nasabing operasyon ng PRC matapos na sila ay bayaran na.
Magugunitang noong Oktubre 14 ay itinigil ng PRC ang COVID-19 tests na sinisingil sa PhilHealth mula Oktubre 14 dahil sa pagkakautang na P930 million.
Bumalik ang operasyon ng magbayad ang PhilHealth ng P500 million bilang partial payment at nitong Huwebes ay muling nagbayad ang PhilHealth ng karagdagang P100 million.