-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng tulong sa kaanak ng pitong sundalo na nasawi matapos na bumagsak ang sinakyang helicopter sa bayan ng Impasug-ong, Bukidnon.

Sa kaniyang national address nitong Lunes ng gabi, na nais niya sanang magtungo sa lugar subalit dinala na ang mga labi ng nasawi sa kani-kanilang mga kaanak.

Nag-alay din ng isang minutong pagdarasal ang pangulo para sa mga nasawing sundalo.

Magugunitang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter nitong Sabado.