-- Advertisements --
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mababayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ang Philippine Red Cross (PRC).
Ito ay matapos na huminto na ang PRC ng pagtaggap ng COVID-19 test na isinisingil sa PHILHEALTH dahil sa mayroon pang pagkakautang ito na aabot sa mahigit P930 million.
Sa naging talumpati ng Pangulo nitong Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na dapat huwag mangamba ang PRC dahil naghahanap ng paraan ang PHILHEALTH para makabayad.
Maghahanap aniya ng pera ang gobyerno para mabayaran ang PRC.
Magugunitang iginiit ng Red Cross na kanilang ititigil na ang pagtanggap ng specimen mula sa mga umuuwing Overseas Filipino, mega swabbing facilities at sa mga local government units dahil sa hindi pa bayad na utang.