Nasa Hong Kong na ang Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang pamilya matapos na dumating kagabi.
Dakong alas-10:49 ng gabi nang mag-touchdown ang eroplanong sinakyan ng presidente at ang kanyang delegasyon sa Hong Kong International Airport mula sa dalawang araw na pagbisita sa Cambodia para dumalo sa World Economic Forum.
Sinalubong ang pangulo ng Philippine Consul General Bernardita Catalla; So Pui-wan Fiona, chief officer ng Hong Kong Visits Section at Government Secretariat Protocol Division; gayundin ang Honorary Aide-de-Camp Louis Lau at ang Chief Police Inspector ng Hong Kong Police Force.
Ngayong buong araw ay walang public engagement ang presidente.
Pagkakataon din ito upang i-treat ng pangulo ang kanyang common-law wife na si Honeylet at anak na si Veronica o Kitty.
Bukas pa ng alas-5:00 ng hapon ang schedule ng Pangulong Duterte upang harapin ang mga OFWÂ at Filipino community sa Grand Ballroom sa Regal Airport Hotel bago naman siya tumulak patungong China.
Una nang iniulat ng correspondent ng Bombo Radyo sa Hong Kong na marami na sa mga OFW ang excited na makaharap ang presidente at marinig.
Nasa 210,000 ang mga Pinoy na nagtatrabaho at nakatira sa Special Administrative Region, kung saan karamihan sa mga ito ay mga household service workers.