-- Advertisements --
Baguio City Mayor Benjamin Magalong
Baguio City Mayor Benjamin Magalong

BAGUIO CITY – Inihayag ni Baguio City Mayor-elect Benjamin Magalong na nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan ito ng pondo para sa implementasyon ng operation command center sa lungsod.

Ayon kay Magalong, ito ay upang mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko sa Baguio City.

Sinabi niya na nangako din ang pangulo na tutulong ito para mapanatili ang peace and security at disaster management sa lunsod.

Idinagdag ng nahalal na alkalde na ang command center at maaaring itatayo sa City Buildings and Architecture Office (CBAO) building o sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

Maaalalang isa sa mga adbokasiya ni Magalong ang pagreresolba sa matinding trapiko sa Baguio City.