-- Advertisements --

Bahagyang gumaganda na ang lagay ng kalusugan ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ng anak nito na si dating Senator Jinggoy Estrada na mayroong positibong resulta sa katawan ng dating Manila Mayor ang mga gamot na kaniyang iniiinom.

Umaasa ang dating senador na magtutuloy-tuloy ng bubuti ang kalagayan ng kalusugan ng ama.

Maguguntiang noong Marso 29 ng itakbo ang dating pangulo sa pagamutan matapos na magpositibo ito sa COVID-19 at noong Abril 6 ay lumala ang kaniyang pneumonia kaya kinailangan ang mechanical ventillation.