-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Presidential Communications Office, dahil dito ay mag-isolate ito ng hanggang limang araw.
Nananatiling malakas aniya ang pangulo para gampanan ang kaniyang trabaho at ang mga pagpupulong ay gaganapin na lamang sa pamamagitan ng teleconference.
Dagdag pa ng PCO na magbibigay sila sa mga susunod na araw ng update sa kalusugan ng Pangulo.
Patuloy ang ginagawang panghihikayat ng Pangulo na alagaan ang kalusugan gaya pagpapabakuna at ang boluntaryong pagsuot ng face-mask kapag nasa matataong lugar.