-- Advertisements --

Personal na nagtungo sa Westminster Hall si US President Joe Biden at asawang first lady Jill Biden para makita ang mga labi ni Queen Elizabeth II.

Pagdating lamang sa nasabing lugar ay sinalubong na sila ng mainit na palakpakan at hiyawan ng mga taong nakapila para makidalamhati sa pumanaw na monarch queen.

Matapos nito ay dumiretso ang US President sa Lancaster House para pumirma ng book of condolence para kay Queen Elizabeth II.

Umabot ng 30 minuto ang biyahe ng US President lulan ng kanilang presidential car na The Beast.

Bukod kina Biden ay dumalaw na rin Westminster Hall ang mga matataas na opisyal ng iba’t-ibang bansa kung saan kabilang din sila sa mga nasa listahan ng mga makikipaglibing.