-- Advertisements --

Tinalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Kuwait Crown Prince Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah ang pagpapaigting ng labor relations ng dalawang bansa.

Ito ang pangunahing tinalakay ng Pangulo sa pagdalo niya sa 2023 ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ang nasabing pagpupulong aniya ay hiniling ng crown prince kay Pangulong Marcos.

Magugunitang noong Mayo ay sinuspendi ng Kuwait ang mga bagong visas ng Filipinos dahil sa usapin ng may mga oversease Filipino workers ang sinasaktan ng mga employer nila sa Kuwait.