-- Advertisements --

Nagkaharap sa isang pagpupulong ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at United Nations (UN) Secretary-General António Guterres sa UN Headquarters sa New York.

Nangyari ang pagpupulong matapos na magtalumpati ang pangulo sa ginaganap na 77th Session ng United Nations General Assembly (UNGA) High-Level General Debate.

Una nang iniulat ng Pangulong Marcos na pag-uusapan nila ni Guterres ang isyu sa oportunidad sa pagpapalakas pa sa cooperation sa food security, agriculture, renewable energy at climate change.

Ang mga nabanggit ay kabilang sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon.

Sinasabing ang Pilipinas ay kasama sa orihinal na 51 mga charter members na bumuo ng United Nations noong taong 1945.

Sa naging unang talumpati ng pangulo sa UN, inungkat niya din niya na naging presidente rin noon si General Carlos P. Romulo.

“Your first Asian predecessor, Mr. President, General Carlos P. Romulo, called on our leaders then to “make this floor our last battlefield, to determine in this hall whether humanity is to survive or be wiped out in another holocaust.” Our peoples chose survival. They chose cooperation. They chose peace. And by doing so, they made history.”