-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaasahan ang pagbisita ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa lalawigan ng Antique bukas Nobyembre 8.

Kasunod ito ng pananalasa ng Bagyong Paeng kung saan isa ang Antique sa hardest-hit provinces sa Western Visayas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Antique Governor Rhodora Cadiao, sinabi nito na hihingi siya ng tulong sa presidente upang maayos na ang mga tulay sa lalawigan na nasira dahil sa bagyo.

Noong nakaraang linggo, una nang bumisita sa lalawigan ang Cabinet officials ng Marcos Jr. Administration at umapela rin ng tulong ang gobernador para sa mga apektado na mga residente.

May inisyal rin na impormasyon ang Bombo Radyo na naka-initial check na ang Presidential Security Group sa lalawigan.

Sa ngayon tinatayang nasa 700 na mga pamilya pa ang nanatili sa evacuataion centers sa probinsya.

Apektado ng bagyo ang 18 bayan sa Antique at nasira rin ang mga hanging at footbridges at ibang road structures.

Sa latest report ng Department of Agriculture Region 6, nasa P199.8 million ang pinsala na naiwan sa sektor ng agrikultura.

Sa 36 na na-rekord na patay sa Western Visayas base sa latest data ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, 13 ang mula sa Antique.