-- Advertisements --
Muling pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Philippine Coast Guard (PCG) na dapat lagi silang handa sa pagtatanggol hindi lamang ang karagatan ng bansa at maging ang mamamayan.
Isinagawa ng Pangulo ang panawagan sa oath-taking ng mga promoted na PCG officials kung saan hindi nito itinanggi na tumitindi ang trabaho ng Coast Guard dahil sa mga insidente na nagaganap sa West Philippine Sea.
Isa rin sa pangunahing trabaho ng Philippine Coast Guard (PCG) ay ang search and rescue ganun din ang pagpapatrolya sa mga maritime boundaries.
Karamihan aniya na trabaho ng Philippine Navy ay nailipat na rin sa coast guards.
Pagtitiyak ng pangulo na tuloy-tuloy ang ginagawang pag-upgrade niya sa mga pasilidad ng Coast Guard.