-- Advertisements --
Magtutungo sa Brunei at Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Maria Teresita Daza, na itinakda ang pagbiyahe ng Pangulo mula Mayo 28 hanggang Mayo 31.
Isasagawa nito ang state visit sa Brunei mula Mayo 28-29 at didiretso ito sa Singapore mula Mayo 30-31 para dumalo sa International Institute for Strategic Studies Shagri-La Dialogue.
Ang nasabing pagbisita ng Pangulo sa dalawang Southeast Asian Countries ay dahil na rin sa imbitasyon nina Brunei Sultan Hassanal Bolkiah at dating Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.
Tiwala ang DFA na makakakuha ng mas maraming investment ang pangulo sa nasabing pagbisita.