CENTRAL MINDANAO-Naghigpit pa ng seguridad ang mga otoridad sa inaasahang pagdalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr sa inaugural session ng extended Bangsamoro Transition Authority ngayong araw sa Shariff Kabunsuan Complex sa Cotabato City.
Matatandaaqn na unang inimbita ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Murad Ebrahim ang Pangulong Marcos upang maging guest of honor and speaker sa inaugural session ng BTA.
Dadalo rin ang mga myembro ng diplomatic community at mga kinatawan ng mga bansang tumutulong sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.
Inaasahan din ang pagdalo ni Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Professor Nur Misuari.
Agad rin na naglabas ng official memo si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao sa class suspension sa lahat ng antas, gayundin ang lahat ng ahensya ng pamahalaan sa lungsod bilang pakikiisa sa mahalagang araw ng pangulo maging ng Bangsamoro Government.
Nagpakalat na rin ng tropa ng militar,pulisya at PSG sa inaasahang pagdalo ng Pangulong PBBM sa Inaugural Session ng BTA.