-- Advertisements --

Ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukalang pagbaba ng mga import tariffs ng mga bigas.

Sinabi nito na nagdesisyon siya kasama ang mga economic managers na hindi pa napapanahon para mapababa ang import tariffs.

Base kasi sa kanilang pagtaya na patuloy ang pagbaba ng mga presyo ng bigas sa world market.

Magugunitang ipinanukala ni Finance Secreary Benjamin Diokno na dapat ay mapababa ang rice import tariff para bumaba rin ang presyo ng bigas sa bansa.

Pagtitiyak naman ng pangulo na gumagawa sila ng hakbang para matugunan ang mga usapin ng agrikultura sa bansa.