Binigyang linaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na walang paglabag na naganap at legal ang pagkakaaresto at pag-turnover sa International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Pangulo na sinunod lamang nila ang tama at legal na proseso sa pagsilbi ng warrant maging ang pagbasa sa kaniyang karapatan.
Giit pa ng pangulo na nakikipagtulungan lamang ang Pilipinas sa International Criminal Police Organization) Interpol at hindi ang ICC.
Dumistansiya din ang pangulo na isang pamumulitika ang nasabing pag-aresto sa dating Pangulo kung saan sinabi niya na ang kaso ay noon pang 2017 bago maging pangulo si Marcos.
Hindi aniya masisisi ang mga tao kung ikinokonekta nila sa pamumulitika ang insidente basta ang masasabi lamang nito ay ipinapatupad lamang ng gobyerno ang batas.