Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nakatulong ito sa kampo ni Vice President Sara Duterte para muling mabago ang pakiktungo niya sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito sa naging pahayag ng bise presidente na pinasalamatan si Pangulong Marcos dahil sa naging malapit ang pakikisama niya sa mga kapatid ng makulong ang ama sa International Criminal Court.
Sinabi naman ni Palace Press Officer Claire Castro na dapat ay pasalamatan ni bise presidente ang ama dahil sa mga nagawa nito.
Dahil umano sa extrajudicial killings ay nagkaroon na ng oras sila ng mag-ama na magsama.
Magugunitang nasa the Netherlands ang bise kasama ang anak ng ama nito na si Veronica “Kitty” Duterte para dalawin ang dating pangulo na nahaharap sa crime against humanity dahi sa kampanya nito sa war on drugs sa panunungkulan nito.