Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na mayroon silang papel sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi nito na walang anumang pangingialam ang executive branch ukol sa impeachment.
Giit ng pangulo ng hindi maiwasan na matalakay ang nasabing usapin tuwing makakaharap niya si Speaker Martin Romualdez at ilang mga kongresista.
Tinatanong din ng pangulo sa nasabing plano ng mga kongresista at sinabing hindi na maiiwasan dahil natuloy na ang impeachment.
Kapag naihain na ang impeachment ay wala na aniya silang magagawa dahil ito ang mandato ng mga mambabatas na nakasaad sa konstitusyon.
Magiging observer lamang siya at hindi papapel ang executive branch sa mga gagawing impeachment trial.
Sinabihan na rin nito ang kongresistang anak na si Ilocos Norte First District Rep. Sandro Marcos na gawin ang kaniyang consititutional duty na tumugon sa impeachment kaya ito ang unang pumirma sa ikaapat na impeachment complaints laban sa Bise Presidente.
Tiwala din ang Pangulo na ang pag-usad ng impeachment ay hindi makakaapekto sa paglago ng bansa.
Una ng sinabi ng Pangulo na ayaw niyang isulong ng mga mambabatas ang impeachment dahil hindi ito makakabuti sa bayan.