-- Advertisements --
Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pinapangunahan siya ni First Lady Liza Marcos sa pagdedesisyon niya sa gobyerno.
Ayon sa pangulo na walang impluwensiya ang kaniyang maybahay sa desisyon niya sa gobyerno.
Maaring nagkokomento lamang siya subalit hindi ito nagdedesisyon.
Pinabulaanan din ng pangulo na kanilang binibigyan ng papel ang anak nito na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos dahil sa ilalagay nila ito sa mataas na posisyon.
Sinabi pa ng pangulo na may sariling trabaho ang anak nito sa kaniyang constituent at sumasama lamang ito sa kaniyang biyahe sa ibang bansa dahil sa may kinalaman ito sa kaniyang trabaho.