-- Advertisements --

Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pinupulitika ng mga mambabatas ang pagbabalangkas ng national budget ng Office of the Vice President.

Ayon sa Pangulo na dumadaan sa normal na pagtatalakay ng mga mambabatas ang lahat ng mga budget ng government offices.

Nasa tamang proseso lamang ang ginagawa ng mga mambabatas na sisiyasatin ang bawat sentimo ng national budget ng bawat ahensiya ng gobyerno at malayo na ito ay napupultika.

Reaksyon ito ng pangulo sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na napupulitika na ang pagdinig para sa 2025 budget ng kaniyang opisina.