-- Advertisements --

Itiuturing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na matagumpay ang pagdalo nito sa 40th and 41st ASEAN Summits and Related Summits sa Cambodia.

Ito ang naging laman ng kaniyang talumpati matapos na dumating ang pangulo sa bansa nitong 12:14 ng madaling araw ng Lunes.

Bukod sa pagdalo sa summit mula Nobyembre 10-13 ay may tsansa rin ang pangulo na makasalamuha ang mga Filipino na nagtatrabaho sa Cambodia.

Sa nasabing summit tiniyak ng pangulo ang pakikipagtulunga ng Pilipinas sa ASEAN.

Ilan sa mga ipinayo niya sa mga lider ng bansa ay dapat palakasin ang food security sa ASEAN lalo na at tumitindi ang epekto ng climate change.

Magugunitang ilang mga lider ng mga bansa ang personal na nakausap ni Pangulong Marcos kung saan nangako sila ng pakikipagtulungan sa isa’t-isa.