Pangungunahan ni Pangulong Fetrdinand Marcos Jr., ang graduation rites ng Philippine Military Academy ‘MAndirigmang May DAngal SImbolo ng Galing at PagbangON’ (MADASIGON) Class of 2023 sa Fort del Pilar, Baguio City ngayong araw Linggo, May 21.
Ito ang kauna-unahang pagdalo ng chief executive bilang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nasa 311 PMA cadets ang magtatapos ngayong araw kung saan mismo si Pang. Marcos ang magprisinta ng mga diplomas at awards.
Asahan din ang pagdalo ni Vice President Sara Duterte graduation ceremony dahil siya ang magbibigay ng award sa Vice Presidential Saber sa class salutatorian.
Ang PMA MADASIGON Class of 2023 ay binubuo ng 239 na lalaki habang 72 ang babae.
Batay sa ulat ng pamunuan ng akademya, sa nasabing bilang ng mga graduates 158 dito ang mapupunta sa Philippine Army, 65 sa Philippine Air Force at 77 sa Philippine Navy.
Inanunsiyo naman ni PMA Public Affairs Office Chief Major Charito Dulay, na striktong ipatutupad pa rin ang health and safety protocols bilang precautionary measure laban sa COVID-19.
Ayon kay Major Dulay, dalawang magulang lamang sa bawat kadete ang mananatili sa grandstand habang ang ibang mga kaanak at pamilya at mananatili sa labas ng grandstand.
Mahigpit ang seguridad na ipinapatupad sa Baguio City ngayon sa pangunguna ng Presidential Security Group.
Asahan din na dadalo sina AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino kasama ang mga major service commanders ng AFP at maging si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda.