-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malakanyang ang pagtanggap ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping na bumisita sa China.

Ayon sa Office of the Press Secretary ang imbitasyon sa pangulo ay isang state visit at mangyayari ito sa January 3 hanggang January 5 o January 6.

Ang anunsiyo ng Malakanyang ay habang dumadalo ang Pangulong Marcos sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders Summit sa Cambodia kung saan nandoon din dumadalo si Chinese Premier Li Keqiang.