Tinukoy ng Time Magazine si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bahagi ng “The Most Influential People of 2024.”
Partikular na nakasaad sa bahagi ng artikulo ang salitang “by trying to repair his family name,” the son and namesake of the late dictator” may reshape his country too.”
Kasama rin sa taunang listahan ng magazine ang sikat na Japanese animator na si Hayao Miyazaki, ang lumikha ng mga animated na pelikula tulad ng “My Neighbor Totoro,” “Spirited Away,” at “Whisper of the Heart.”
Ang iba pang maimpluwensyang tao sa listahan ay ang Amerikanong negosyanteng si Mark Cuban, ang kasalukuyang isa sa may-ari ng basketball team na Dallas Mavericks; Yulia Navalnaya, ang balo ng yumaong pinuno ng oposisyon ng Russia na si Alexei Navalny; at William Lai, ang papasok na presidente ng Taiwan na kontra sa Beijing.
Para kay Marcos, binanggit ng Time Magazine ang plunder case ng ama nito bago napaalis noong 1986.
Pero tinukoy din ang matatag na paninindigan ng Pangulo laban sa agresibong hakbang ng China.
Wala pa namang pahayag ang Malacañang sa pagkakasama ng Pangulo sa listahan ng mga maimpluwensyang tao ng Time Magazine ngayong taon.