-- Advertisements --

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na maghanap ng inspirasyon sa mga kabutihan at katatagan na ipinakita ng kapwa sa harap ng mga pagsubok noong 2024.

Ito rin umano ang dapat baunin ngayong pumasok na ang bansa sa bagong taong 2025.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagninilay sa lakas na ipinakita ng mga Pilipino sa pagharap sa mga kalamidad at iba pang hamon na nakaapekto sa buhay noong nakaraang taon.

Ipinunto niya na ang mga sandaling ito ay dapat makita bilang mga simbolo ng pagkakaisa at pagtitiyaga na nagbigay-daan sa lalo pang pag-unlad.

Hinimok din niya ang mga Pilipino na kumuha ng inspirasyon mula sa hindi mabilang na tapang, habag, at bayanihan na nasaksihan sa mga panahon ng kahirapan at kalamidad.

Dagdag pa ng pangulo, na sa pamamagitan ng pinagsamang lakas, maaaring muling buuin ng mga Pilipino ang nawala at matupad ang pangarap ng isang Bagong Pilipinas, kung saan ang mga pangarap ay lilitaw at ang bawat Pilipino ay umuunlad.

Binanggit din niya na ang bagong taon ay nagbibigay ng pagkakataon upang magnilay sa mga natutunang aral at i-apply ang mga ito para sa personal na pagpapaunlad.

Hinihimok niya ang mga mamamayan na magpatibay ng isang kaisipan na naka-focus sa pag-unlad at balanse sa pagitan ng mga nakaraang realidad at mga pag-asa sa hinaharap na panahon.