-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pamilya ng pumanaw na beteranang actress na si Gloria Romero.

Sinabi nito na labis siyang nalungkot ng malaman ang pagpanaw ng tv at movie icon.

Kuwento ng pangulo na nakilala niya ang actress sa set ng pelikulang “Iginuhit ng Tadhana” na patungkol sa buhay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kasama sa pelikula si Pangulong Bongbong Marcos Jr na gumanap bilang anak ng actress na ginampanan ang buhay ng ina nito na si Imelda Marcos.

Ayon pa sa pangulo na isa sa mga babae na may dignidad na tunay na artista.

Magugunitang pumanaw ang actress sa noong Enero 25.
Lumabas ito sa mahigit 250 na pelikula at tv productions na tinagurian siya bilang “First Lady of Philippine Cinema”.