-- Advertisements --

Mahigpit na pinaalalahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga bagong promoted na kawani ng Philippine National Police (PNP) na dapat unahin ang laging tama.

Sa ginawang oath-taking ceremony ng 39 Star-Ranked Officers sinabi ng pangulo na dapat ipatupad ang kanilang trabaho ng may dedikasyon, integridad at pananagutan.

Bilang opisyal ay mahalaga na maging magandang ehemplo sa mga tauhan.

Sa huli ay pinuri nito ang mga naging dedikasyon ng mga kapulisan sa kanilang mga trabaho.