-- Advertisements --

Mayroong mahigpit na kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa paglaban kontra iligal na droga.

Ito ang naging laman ng talumpati ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Remulla sa ginaganap na 52nd sessions ng United Nations Human Rights Councils sa Geneva.

Igiit nito na inatasan sila ng pangulo kasama ang mga iba’t-ibang ahensiya na arestuhin hindi lamang ang mga maliliit na drug pushers at sa halip ay yung mga malalaking drug distributors.

Kasama sa panel discussions na inorganisa ay ang Thailand at Indonesia.

Aminado nito na isang malaking hamon sa bansa ang paglaban sa droga at ito ay hindi madaling gawin lamang.