-- Advertisements --

May mga listahan na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung sino ang magiging bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Kasunod ito sa nakatakdang pagtakbo umano ni DILG Secretary Benhur Abalos sa senado sa susunod na taon.

Ayon sa Pangulo na hihintayin niya ang pormal na pagbibitiw ni Abalos kapag tuluyan na itong naghain ng kaniyang certificate of candidacy.

Pagtitiyak naman ng Pangulo na kaniyang sinasalang mabuti ang mga nasa listahan niya na susunod na mamumuno ng DILG.