Muling nilinaw ng Malacañang na hindi mangingialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, na ang nasabing kapangyarihan ng impeachment ay nasa kamay na ng House of Representatives.
Bilang pagbibigay respeto sa institusyon ay hindi papakialaman ng Pangulo ang nasabing usapin bilang bahagi ng co-equal branch na my exclusive jurisdiction.
Magugunitang sinabi ng House Secretary General na sa mga susunod na araw ay kanilang i-indorso sa opisina ni Speaker Martin Romualdez ang tatlong impeachment complaints laban sa Bise Presidente.
Una ng sinabi ni Pangulong Marcos na mahihirapan umusad ang impeachment dahil sa mahihirapan ang mga mambabatas na makakuha ng quorum bunsod ng nalalapit ang panahon ng pangangampanya para sa halalan sa Mayo.