-- Advertisements --

Hindi itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ito ay bahagyang nadismaya sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi na siya nito itinuturing na isang kaibigan.

Dagdag pa nito na hindi na niya alam at maintindihan at nakakadismaya umano dahil sa hindi na kaibigan ang turing sa kaniya.

Hindi rin aniya lubos maisip na marinig ito sa bise presidente.

Magugunitang nagbitiw sa gabinete si Vice President Duterte kung saan unang sinabi niya na hindi na niya kaibigan ang pangulo at kaya lamang sila naging malapit dahil sa naging ka-tandem lamang niya ito noong nakaraang halalan.