Nais muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pag-aralan ang panukalang P200 across the board minimum wage increase sa mga pribadong manggagawa.
Sinabi nito na may ilang magiging epekto ng nasabing panukala gaya ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin at ang serbisyo.
Ipapaubaya niya ito sa tripartite board na siyang nagdedetermina ng pagtaas ng sahod.
Maraming mga maliliit na negosyante gaya ng mga may-ari ng sari-sari store at karenderya ang aalma kung taasan ng sahod ang ilang mga empleyado nila.
Giit nito na hahanap ang gobyerno ng solusyon kung kaya’t makikipagtulungan ito sa mga iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.
Magugunitang nais ng House of Representatives na i-certify urgent ni Pangulong Marcos matapos na ipasa nila ang P200 across the board daily wage increase.