-- Advertisements --

Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang pagdalo niya sa ASEAN and related summits sa Jakarta, Indonesia dakong alas-12:37 ng umaga nitong Biyernes.

Dumalo ang pangulo sa 12 leaders meeting na kinabibilangan ng Australia, Canada, China, India, Japan, The Republic of Korea, US at United Nations.

Isinulong ng pangulo ang pangunahing interest ng bansa sa ASEAN gaya ng food and energy security , migrant workers protection, climate change at digital transformation na mahalaga sa bansa.

Kasama rin na dinaluhan ng pangulo ang ASEAN Plus Three Summit ng ASEAN member-states ang China, Japan at Republic of Korea at tinalakay ang kooperasyon sa food security, climate change, digital economy at maraming iba pa.