-- Advertisements --

Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang pagdalo nito nsa ASEAN Summit and Related Summits sa Lao PDR.

Lumapag ang presidential plane sa Villamor Air Base ng 10:23 nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi nito na ang tinalakay ng mga ASEAN leaders ay hindi lamang tungkol sa mga hamon na kanilang hinaharap bawat isa at sa halip ay ang kahalagahan ng paghahanap ng solusyon para kaligtasan ng rehiyon.

Nakasalamuha din ng pangulo ang mga business sector ng ASEAN kung saan inimbitahan niya ang mga ito na maglagak ng puhunan sa bansa.

Pinasalamatan din ng pangulo ang Lao PDR na siyang chair ng ASEAN ngayong taon dahil sa matagumpay na hosting ng Summit and Related Summits.

Ang Malaysia naman ang susunod na host ng ASEAN sa 2025.