-- Advertisements --

Personal na bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa burol ng namayapang National Artist for Film and Broadcast na si Nora Aunor.

Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Araneta-Marcos sa Heritage Park, Taguig City.

Una rito ay kinilala ng pangulo ang naging kontribusyon ng actress sa larangan ng pelikula.

Magugunitang nitong Abril 16 ng pumanaw ang actress sa edad na 71 at siya ay nakatakdang ilibing sa Libingan ng mga Bayani sa Abril 22.