-- Advertisements --
Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang publiko na laging isipin ang mga kababayan natin na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Ito ang laman ng kaniyang mensahe sa pagpapailaw ng Christmas Tree sa Malacañang Palace nitong gabi ng Linggo.
Mahalaga aniya na magtulungan ang bawat isa na siyang kaugalian ng mga Filipino.
Tanging ang kaniyang hiling ngayong Pasko ay sana madama ng bawat isa ang diwa ng Kapaskuhan.
Magugunitang ilang libong katao ang naapektuhan ng nagdaang anim na magkakasunod na bagyo sa loob lamang ng 23 araw.