Nilagdaan ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order na nagpapataw ng isang taong moratorium sa pagbabayad sa taunang amortization at ng interes ng agrarian reform beneficiaries.
Para ito sa mga lupang agrikultural na ipinamahagi sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Ayon sa Pangulo, ang isang taong moratorium sa land amortization at interest payment ay makababawas sa pasanin ng mga benepisaryo mula sa kanilang mga utang.
Sa halip, sinabi ng presidente na magagamit ng mga ito ang pera sa pagpapaunlad ng kanilang mga sakahan.
Matatandaang sa kanyang unang SONA ay binanggit ni PBBM ang pagpapalaya sa agrarian reform beneficiaries mula sa kanilang mga utang.
Itinaon ng pangulo ang pagtupad sa pangakong ito sa kanyang ika-65 na kaarawan ngayong araw.